Silence Kills...

Silence Kills...
SilenceKills

Tuesday, May 3, 2011

DIVISORIA

november na...
halloween ang prominenteng okasyon ngayong buwan na ito... pero mas nangingibabaw sa akin ang pamomroblema sa mga bibigyan ko ng regalo sa darating na pasko... o di ba? ang aga ko mai-stress... nway... ksama sa mga bibigyan ko ang mga kaibigan kong di ko nman gaano nkikita... tinalo pa nila mga multo... ksama din jan yung mga inaanak ko... lahat sa binyag... si Lean (ang 2yrs old na maaga nang namulat sa pagmumura... imbis na "merry christmas ninong" ang sabihin eh bigla na lang siyang magsasabi ng isang malutong na "G*GO"), si Ellen (malnourished kasi di gaanong nkainom ng colustrum at ng sumunod pang patak ng gatas mula sa ina...), si Nica (maarteng bata... umiiyak pero wala nmang luha, pwede nang artista), at si Tiger (ewan ko kung anung pumasok sa utak ng mga magulang nya at pinangalanan syang Tiger... gnun ata sila kabangis nung ginawa nila ung bata...)

nway... ugali ko nang gumawa ng listahan ng reregaluhan nang ganitong buwan... wala mang sapat na budget eh tinitiyak ko namang well-appreciated ang ibibgay ko... kya pinag-iisipa ko talga ng maiigi kung anu-ano ang mga ibibigay ko... lalo na yung sa mga inaanak ko, imbis na pera klanan damit kasi madalas kinukurakot lng nga mga magulang nila yung mga perang binibigay ko...

after kong gumawa ng listahan magpapasama akong pumunta sa divisoria... kung saan mura ang mga paninda at mga nagmumurahang pedicab driver, jeepney driver at kung anu-ano pang driver (masikip kasi yung daan kya sila gnun...)..

ang madalas kong kasama? si KAREN... ang girlfriend ko..... simple, maganda at higit sa lahat magaling kumanta..... sa boses nya ako na-inlove.....

"Karen, pupunta akong Divisoria... samahan mo nman ako..."

iyan lagi ang linya ko sa mga ganitong panahon... at alam na ni Karen kung ano ang gagawin ko doon.....

tatlong taon na kaming magnobya ni Karen pero di ko pa sya nareregaluhan tuwing Pasko...

"wag mo na akong bigyan... dadagdag lang ako sa gastos mo... ok na sa akin yung masaya ka at nakangiti kasi alam mong may napapasaya kang ibang tao"

di ko na kinontra pa si Karen nung sinabi nya ito noon... alam ko rin naman kasing nagiging masaya din sya sa ginagawa kong ito...

habang nasa jeep kami, nkatingin sa amin ang mga tao...

masyado ba kaming sweet? natanong ko tuloy ang sarili ko... ay ewan... paki ba nila....

matapos ang ilang minutong byahe nkarating din kami... minuto lang kasi sa recto lang naman kami nkatira...
binaybay nmin ang buong divisoria sa paghahanap ng mga panregalo.... nagpunta rin kami sa 168... habang naglalakad eh napuna ko ang mga tao na nakatingin pa din sa amin... nagtataka na talaga ako...

pagdating sa 168, naghanap ako ng bag... panregalo ko sa isa kong kaibigan...

"ayun..."

"miss, magkano toh?"

"400php po..."

"wala na bang tawad?" 350php di pwede?

"sige ok lang..."

"karen, ang galing ko tumawad noh? haha..."

ngumiti lang si karen... alam nya na expert na ako sa ganitong bagay...

kaso si ate na pinagbilhan ko ng bag biglang natawa...

bakit ba????

"ate ano hong nakakatawa???!!!" mejo asar akong nagtanong...

"wala ho..."

buwisit!!! ano bang problema nila???

ayaw kong masira ang araw ko kya pinalampas ko ang nangyaring iyon... dagli kaming umalis at naghanap pa ng mga panregalo...

matapos ang ilang oras na paglalakad ay nakumpleto ko din ang mga regalo ko... pero nakaramdam ako ng gutom... at tingin ko ganun na din si Karen...
dun kami sa paborito naming reastawran sa divi nagpunta...

"Karen ano ang iyo?"

"Yung tulad pa din ng dati"

"ok.... miss, dalawang meal two..."

"ang lakas nyo namang kumain sir..." pabirong sabi ng crew ng restawran...

" ay hindi... para sa girlfriend ko yung isa..."

" ho? asan ho?"

"eto o katabi ko..."

kumunot ang noo ng crew... "sir, wala kayong kasama..."

"huh? anong...."

wala nga... wala nga akong kasama... dinala ko ang order namin sa isang lamesa sa sulok... nasan na si Karen?

asan na sya...

asan...

asan...

at bigla akong natauhan... wala na pala SIYA... noong isang taon pa.............................

kinain kong mag-isa ang order ko... matabang na ang burger.... ang fries kulang sa alat, wala na ring epekto ang lasa ng ketchup kapag sinawsaw mo ito rito... ang softdrink kahit puno ng yelo eh hindi malamig... lahat ng kinain ko wala nang kwenta.... walang sustansya... kasi walang LASA....

binagtas ko ulit ang daan pauwi... at saka ko naalala ang lahat... namatay si Karen dahil sa akin... nasagasaan siya nung isang taon na nagpunta kmi sa divisoria...

kasalanan ko ang lahat..... kasalanan ko pala..... ngayon lang ako nagising.....

ang tagal ko na palang tanga... baliw....

tama na... tama na ang pangagarap...

sa susunod na taon di na ako pupunta nang divisoria...

sa sementeryo na lang....

doon... doon natitiyak kong magkasama talaga kami ni Karen...

natitiyak kong makakasama ko ang aking pinakamamahal kong nobya...

No comments:

Post a Comment