Silence Kills...

Silence Kills...
SilenceKills

Tuesday, May 3, 2011

CACOPHONY

"Umaga na..."
Naaalala ko ang unang umaga na gumising ako na namamaga ang mata. Ibang klase ang pakiramdam ko noon...:

Tumingin ako sa salamin,

Tigang.. tuyo..

Ubos na ang luha.

Nangungulubot ang pisngi.

Wala nang itim ang mata.

Magulo ang buhok.

Sobrang bagal ng pintig ng puso.



Buntong hininga dito.. buntong hininga doon..

Ang labi ko..

Bakas pa ang halik mo.



Isang malaking buntong hininga ang pinawalan.

Nakakapagod.

Namumutla ako.

Parang wala nang silbi mabuhay.



May kinuha siya sa akin.

'Di na niya sinauli...

Ano na ang gagawin ko nito?



Pagkatapos...

Wala pa ding gising sa bahay.

Masyadong maaga pa ata.

Tumingin ako sa orasan.

Alas kwatro y media.

Sobrang aga pa nga.

Madilim pa sa labas.



Lalabas sana ako kaso...

Umulan.

Natatakot ako.

Wala akong ibang magawa.

Uupo na lang ulit ako.

Titingin uli sa salamin.



May isang bagay sa mesa.

Makinang.

Maningning.

Maliwanag.

Masakit sa mata.

Matalas.

Kinuha ko ito.



At muli kong tiningnan ang sarili sa salamin.

Nakakaawa.

Wala na atang pag-asa.



Nilingon ko muli ang makinang na bagay sa kamay ko.

Nakakaakit.

Parang pumipintig.

Parang makakapagbigay ng buhay.

Ano bang dapat kong gawin?



Idadagdag ko ito sa pagtibok ng aking puso.

Pero paano?

"Ay, alam ko na!"



Nakita ko ang pulso ko.

Ang ganda ng tunog.

Ang ganda talaga.

Ngunit mabagal.

Ma...

ba...

gal...



Ang makinang na bagay!

Ilalapat ko...

Sa aking pulso...

Isusulat ko...

Ang pangalan mo.



At dahan-dahan...

Lalabas...

Ang dugo.


Dugo?

Bakit may dugo?

Pumapatak!

Tumutulo!

Umaagos!!!

Kulay pula...

Malapot...

Nakamamanhid...

Ang gaan sa pakiramdam!

"Bog!"





'Di na ako muling nagising...

At 'di na muling dumilat pa.

"Umaga na talaga..."
Natatanaw ko na ang ilang libong puntod na kasama ko. Kay tagal na ng pangyayaring iyon pero hindi ko alam kung bakit malungkot pa din ako... Iiiyak ko na lang ito...


No comments:

Post a Comment