Silence Kills...

Silence Kills...
SilenceKills

Wednesday, May 4, 2011

Strike a Pose!

 I really want to have a camera like this one. Yep! It's another passion of mine. PHOTOGRAPHY!!! I'll be saving money for this one.... *I'm crossing my fingers...*


ahahahaha!!!XD

Nothing Else Better To Do by David Archuleta




kinilig ako nung narinig ko itong kantang toh...hahaha

wahahaha... i love this song so much....

Tuesday, May 3, 2011

Valentine's Day 2009

(this note was written a long long time ago... during the time i have no one to celebrate this day)

"Malapit na ang Valentine's day... ang touchy na tanong sa mga single ay... DO YOU FEEL ANY PRESSURE RIGHT NOW??haha!"

This was the text message I received before Feb. 14. HILARIOUS and RIDICULOUS, but its quite true. Those single civilians... do they feel the pressure of overcoming heart's day without any special someone? Ask that question to me and I'll say YES! but not much. I still have special people around me so why feel the pressure...

February 14 came and i was so excited of the things that will and may happen. In the morning, i got the CHANCE TO DATE Cams and Joy. Where? At the National Library...haha. In the afternoon, i got the chance to TALK HEART TO HEART with God on the 12noon mass at the school's chapel. Then we went to Hospicio de San Jose to act as CUPIDS and shot arrows to the happy and young hearts of the orphanage by playing and entertaining them with a program we prepared. Lastly, we ended the day AS SWEET AS CHOCOLATE by watching the cheering competition of the SCUAA '09. PNU won again, no surprise.

I made my way home with a smile as GENTLE and as RED as ROSES. I was able to have that smile because I was able to accept my situation this Valentine's day. I dont have that special someone almost everybody has that day. But it was ok. Valentines's day is not only for those hearts who have found their matches but also for those hearts that are very HOPEFUL. Those who believe that they will soon find the one who will fill the emptiness they have. Valentine's day is for the heart who has CONTENTMENT and PEACE.

"LOve is in the air" as they may say but love will always be in the air as along as there is hope, contentment and peace. It s not about the dates, chocolates and red roses. It's not about how we show our love but also about how we accept and understand the current status of our hearts. It's not about having someone but about being that someone for somebody and for everybody.


*snap back to reality...

just shared this note to inspire others... and let me share also that i already found my heart again... thank you for reading...♥
found my heart again...♥

Lost and Found


Maybe i'll find my body in a house

your house or my house

inside the candle lit room

the room will be in its gloomiest

Or is my body somewhere else?

up there or down there?

in a place where no one can see

where people go and no one comes back

Maybe ill find my mind in a brain

my brain or your brain

thinking of memories and thoughts

imagination full of bliss

but sorrow and grieve also dwell here

Or is it found under the rain?

in the gentle sound of the raindrops

or in the roaring of the thunder?

where one loves playing under it

but then be frightened on the sound after the lightning

Maybe ill find my soul in a hand

your hand or my hand

where it solemnly rest in the warmth

as if caressing every inch of me in the softest

Or is it found in your eye?

the eye that is looking at me now

the look that penetrates inside me

searching for something

searching somewhere deep

Maybe ill find my heart in your heart

every beat, throbbings and sound

they are in harmony

they rhyme and they are united

it is the only sound that i can hear

someday ill be complete again.. ill be coming into your arms whole and free.. the scent of my fume mixing with yours.. we'll hug tight as if there are no tomorrows.. i just wish you wont lose your parts.. your body, mind soul and heart..

il be waiting for you to come back...

CACOPHONY

"Umaga na..."
Naaalala ko ang unang umaga na gumising ako na namamaga ang mata. Ibang klase ang pakiramdam ko noon...:

Tumingin ako sa salamin,

Tigang.. tuyo..

Ubos na ang luha.

Nangungulubot ang pisngi.

Wala nang itim ang mata.

Magulo ang buhok.

Sobrang bagal ng pintig ng puso.



Buntong hininga dito.. buntong hininga doon..

Ang labi ko..

Bakas pa ang halik mo.



Isang malaking buntong hininga ang pinawalan.

Nakakapagod.

Namumutla ako.

Parang wala nang silbi mabuhay.



May kinuha siya sa akin.

'Di na niya sinauli...

Ano na ang gagawin ko nito?



Pagkatapos...

Wala pa ding gising sa bahay.

Masyadong maaga pa ata.

Tumingin ako sa orasan.

Alas kwatro y media.

Sobrang aga pa nga.

Madilim pa sa labas.



Lalabas sana ako kaso...

Umulan.

Natatakot ako.

Wala akong ibang magawa.

Uupo na lang ulit ako.

Titingin uli sa salamin.



May isang bagay sa mesa.

Makinang.

Maningning.

Maliwanag.

Masakit sa mata.

Matalas.

Kinuha ko ito.



At muli kong tiningnan ang sarili sa salamin.

Nakakaawa.

Wala na atang pag-asa.



Nilingon ko muli ang makinang na bagay sa kamay ko.

Nakakaakit.

Parang pumipintig.

Parang makakapagbigay ng buhay.

Ano bang dapat kong gawin?



Idadagdag ko ito sa pagtibok ng aking puso.

Pero paano?

"Ay, alam ko na!"



Nakita ko ang pulso ko.

Ang ganda ng tunog.

Ang ganda talaga.

Ngunit mabagal.

Ma...

ba...

gal...



Ang makinang na bagay!

Ilalapat ko...

Sa aking pulso...

Isusulat ko...

Ang pangalan mo.



At dahan-dahan...

Lalabas...

Ang dugo.


Dugo?

Bakit may dugo?

Pumapatak!

Tumutulo!

Umaagos!!!

Kulay pula...

Malapot...

Nakamamanhid...

Ang gaan sa pakiramdam!

"Bog!"





'Di na ako muling nagising...

At 'di na muling dumilat pa.

"Umaga na talaga..."
Natatanaw ko na ang ilang libong puntod na kasama ko. Kay tagal na ng pangyayaring iyon pero hindi ko alam kung bakit malungkot pa din ako... Iiiyak ko na lang ito...


DIVISORIA

november na...
halloween ang prominenteng okasyon ngayong buwan na ito... pero mas nangingibabaw sa akin ang pamomroblema sa mga bibigyan ko ng regalo sa darating na pasko... o di ba? ang aga ko mai-stress... nway... ksama sa mga bibigyan ko ang mga kaibigan kong di ko nman gaano nkikita... tinalo pa nila mga multo... ksama din jan yung mga inaanak ko... lahat sa binyag... si Lean (ang 2yrs old na maaga nang namulat sa pagmumura... imbis na "merry christmas ninong" ang sabihin eh bigla na lang siyang magsasabi ng isang malutong na "G*GO"), si Ellen (malnourished kasi di gaanong nkainom ng colustrum at ng sumunod pang patak ng gatas mula sa ina...), si Nica (maarteng bata... umiiyak pero wala nmang luha, pwede nang artista), at si Tiger (ewan ko kung anung pumasok sa utak ng mga magulang nya at pinangalanan syang Tiger... gnun ata sila kabangis nung ginawa nila ung bata...)

nway... ugali ko nang gumawa ng listahan ng reregaluhan nang ganitong buwan... wala mang sapat na budget eh tinitiyak ko namang well-appreciated ang ibibgay ko... kya pinag-iisipa ko talga ng maiigi kung anu-ano ang mga ibibigay ko... lalo na yung sa mga inaanak ko, imbis na pera klanan damit kasi madalas kinukurakot lng nga mga magulang nila yung mga perang binibigay ko...

after kong gumawa ng listahan magpapasama akong pumunta sa divisoria... kung saan mura ang mga paninda at mga nagmumurahang pedicab driver, jeepney driver at kung anu-ano pang driver (masikip kasi yung daan kya sila gnun...)..

ang madalas kong kasama? si KAREN... ang girlfriend ko..... simple, maganda at higit sa lahat magaling kumanta..... sa boses nya ako na-inlove.....

"Karen, pupunta akong Divisoria... samahan mo nman ako..."

iyan lagi ang linya ko sa mga ganitong panahon... at alam na ni Karen kung ano ang gagawin ko doon.....

tatlong taon na kaming magnobya ni Karen pero di ko pa sya nareregaluhan tuwing Pasko...

"wag mo na akong bigyan... dadagdag lang ako sa gastos mo... ok na sa akin yung masaya ka at nakangiti kasi alam mong may napapasaya kang ibang tao"

di ko na kinontra pa si Karen nung sinabi nya ito noon... alam ko rin naman kasing nagiging masaya din sya sa ginagawa kong ito...

habang nasa jeep kami, nkatingin sa amin ang mga tao...

masyado ba kaming sweet? natanong ko tuloy ang sarili ko... ay ewan... paki ba nila....

matapos ang ilang minutong byahe nkarating din kami... minuto lang kasi sa recto lang naman kami nkatira...
binaybay nmin ang buong divisoria sa paghahanap ng mga panregalo.... nagpunta rin kami sa 168... habang naglalakad eh napuna ko ang mga tao na nakatingin pa din sa amin... nagtataka na talaga ako...

pagdating sa 168, naghanap ako ng bag... panregalo ko sa isa kong kaibigan...

"ayun..."

"miss, magkano toh?"

"400php po..."

"wala na bang tawad?" 350php di pwede?

"sige ok lang..."

"karen, ang galing ko tumawad noh? haha..."

ngumiti lang si karen... alam nya na expert na ako sa ganitong bagay...

kaso si ate na pinagbilhan ko ng bag biglang natawa...

bakit ba????

"ate ano hong nakakatawa???!!!" mejo asar akong nagtanong...

"wala ho..."

buwisit!!! ano bang problema nila???

ayaw kong masira ang araw ko kya pinalampas ko ang nangyaring iyon... dagli kaming umalis at naghanap pa ng mga panregalo...

matapos ang ilang oras na paglalakad ay nakumpleto ko din ang mga regalo ko... pero nakaramdam ako ng gutom... at tingin ko ganun na din si Karen...
dun kami sa paborito naming reastawran sa divi nagpunta...

"Karen ano ang iyo?"

"Yung tulad pa din ng dati"

"ok.... miss, dalawang meal two..."

"ang lakas nyo namang kumain sir..." pabirong sabi ng crew ng restawran...

" ay hindi... para sa girlfriend ko yung isa..."

" ho? asan ho?"

"eto o katabi ko..."

kumunot ang noo ng crew... "sir, wala kayong kasama..."

"huh? anong...."

wala nga... wala nga akong kasama... dinala ko ang order namin sa isang lamesa sa sulok... nasan na si Karen?

asan na sya...

asan...

asan...

at bigla akong natauhan... wala na pala SIYA... noong isang taon pa.............................

kinain kong mag-isa ang order ko... matabang na ang burger.... ang fries kulang sa alat, wala na ring epekto ang lasa ng ketchup kapag sinawsaw mo ito rito... ang softdrink kahit puno ng yelo eh hindi malamig... lahat ng kinain ko wala nang kwenta.... walang sustansya... kasi walang LASA....

binagtas ko ulit ang daan pauwi... at saka ko naalala ang lahat... namatay si Karen dahil sa akin... nasagasaan siya nung isang taon na nagpunta kmi sa divisoria...

kasalanan ko ang lahat..... kasalanan ko pala..... ngayon lang ako nagising.....

ang tagal ko na palang tanga... baliw....

tama na... tama na ang pangagarap...

sa susunod na taon di na ako pupunta nang divisoria...

sa sementeryo na lang....

doon... doon natitiyak kong magkasama talaga kami ni Karen...

natitiyak kong makakasama ko ang aking pinakamamahal kong nobya...

Window Shopping

... ang sarap mag window shopping sa SM...
yan ang kadalasang hobby ko---ang tumingin sa mga tagprice ng mga bgay n nkikita ko sa mall...
ang dami kong gustong bilhin, ayun nga lng walang pera...
yung damit na nkita ko knina mura nga... mganda pero di ko gusto yung tela... ang dali mpunit...
gnyan ako... pihikan... palibhasa mananahi si mama... nkikita ko kapag namimili sya ng tela sa divisoria o sa palengke para gawing punda ng unan o di kya cover ng mga appliances sa bahay... alam nya kung alin ang tatagal sa hindi...
kya gnun din ako.... natutuo kay mama...

tatlong oras akong umikot-ikot sa mall... then sa dept store...

wala.... wala pa rin akong ngustuhan... didiretso na lng ako sa lugar kung saan may nabibili tlg ako...
...sa SUPERMARKET...

bibili ako ng junk food ("basurang pagkain" sabi ng co-teacher ko kya daw masama...), candy, shampoo ni mama, pamalit sa toothbrush ko at kunga anu-ano pang gamit ng mga vain na tao... gnun kc tlg ako...

aabot ang mga nabili ko ng lagpas 100php pero hindi aabot ng 200php... kabisado ko na ang sarili ko... minsan iniisip ko bka nagkataon lng na gnun ung total price ng mga nabibili ko pero... hindi eh...

pagkatapos ko bumili uuwi na ako... pero hindi ako papayag na wala akong bitbit na nginangata habang bumibyahe... ang paborito ko? yung sago ng ZAGU na tinatawag nilang "pearls" obviuos na pinasosi lng nila ang pangalan...

sasakay ako ng jeep na ngumunguya ng sagong makunat... nasasarapan ako sa lasa kahit wala nmang lasa... uubusin ko ang sago dahan-dahan...

umandar na yung jeep... papunta sa bahay nmin... mga 30 minutes siguro ang byahe... masaya kahit papano ang byahe... kasi ngagawa ko pa ding mag-"window shopping" ng mga eksena sa kalye... natutuwa ako sa mga nangyayari sa daan... exciting ang bawat nangyayari...

hanggang sa dumating sa kanto na mga limang daan pang hakbang ang layo sa binababaan ko... may traffic light dito kasi may intersection...

"traffic... bakit kya?"

dumungaw ako... may nagmumurahang mga mama sa may intersection (di ko alam kung nagmumura nga sila... pero sa itsura nila mukhang gnun ata) nagkabanggaan kasi mga kotse nila...

"pambihira naman... dun pa sila nag-away..."

gusto ko na sana bumaba kaso sayang ang pamasahe ko... malayo pa ang amin... hihintayin ko na lng... tutal enjoy naman ako sa iba pang eksena sa kalye...

iniikot ko ang mga mata ko... naghanap ako ng "magandang tanawin"...

hanap...... hanap......... hanap..........

hanap pa.... hanap pa....

"ayun!!!"

nsa taxi lng pla na katabi ng jeep na sinasakyan ko...

may magnobya..... magkayakap sila..... magkayakap na para bang hindi nag-eexist ang driver at ang mga tao sa kalye... ang sweet nila.... naiinggit tuloy ako...

sinubukan kong tingnan ang mukha ng dalawa... hindi ko makita ang mukha ng lalaki... madilim sa taxi...

sinilip ko ang sa babae... maputi sya... mganda... isang klase ng babae na matitipuhan ko...

sinilip ko pa lalo....

"sh*t!"

nasira ang mgandang view... pati ako nkisali sa murahan ng mga mama sa intersection.... unti-unting nging grey ang kulay ng paligid ko... lalo pa akong nanlumo nang maghalikan sila... di ko na kaya.... di ko na kaya...... DI KO NA KAYA!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!

manong andar na po.... manong andar na po.... yan ang sabi ko sa sarili ko..... tumutulo na ang luha ko....

"MANONG ANDAR NA!!!!"

"sira ka ba?!!!!! nkita mo ngang bumper to bumper eh..."

lahat ng pasahero nkatingin na sa akin..... ayoko na.... ayoko na....

dali akong bumaba ng jeep... patakbo... para hndi ko sila makita sa taxi...

tumutulo pa din ang luha ko... at bawat isang patak nilipad ng hangin... mabilis akong tumakbo.... hindi ko na pinansin pa ang mga eksenang magaganda sa kalye..... lahat sa paningin ko nkafastforward..... ako na mismo ang gumagawa ng eksena sa daan.....

ayoko na talaga................................................................

sa pagtakbo ko... narating ko ang kanto kung saan ako bumababa..... pero wala nang luha..... pero maga ang mata dahil na rin sa hangin...

nilakad ko ang daan papunta sa bahay..... dahan-dahan ulit... katulad ng pagnguya ko sa mga "pearls" kanina... madami ako nakakasalubong..... lahat sila nkatingin sa akin..... isa rin ako sa mga eksenang pwedeng i-"window shop" ng mga tao sa kalye namin...

napatigil ako..... ilang hakbang pa at makikita ko ang puno ng mangga... malapit na talaga ako..... pero natitigilan ang mga tuhod ko..... nanghihina...

"CHARLES♥KEITH... forever"

nanghihina dahil sa mga nkasulat na yan sa puno... si keith ang babaeng minahal ko... two weeks na kaming break... ang dahilan???

"gusto ko munang hanapin ang sarili ko charles..."

ako naman tong si tanga na naniwala... pero tama nman... hinanap nga nya ang sarili nya..... pero ang bilis....

nahanap na nya ang sarili nya... at iyon ay sa piling ng iba..............

di ko na kaya......ang bilis kong PINALITAN...

lalakad na ako..... uuwi na ako..... di na ako magwiwindow shopping kahit kelan...

AYAW KO NA........


window shopping ng mga eksena sa kalye...