Silence Kills...

Silence Kills...
SilenceKills

Tuesday, January 3, 2012

To the Moon

Far from the heavens above you stay still
Reminding me of the snow covered on the hill
I would go there not because everyone admires you
Neither will I go there to stay but I will be honest and true

Can I go there and have a view on what you see?
Everything is so small like me when I was a baby
Below you are the other beings and sceneries of the earth
Rippling waters of the sea, swaying trees and animals giving birth

You seem so happy watching all these by your own
Aren’t you sad because you are doing this all alone?
Now don’t you worry my dear moon
To give you company is why I’m here but I need to go back soon

Random things on earth happen every minute
I don’t know why but I like the silence here that does not have limit
Very tranquil and safe unlike the noise that the earth make
Ever serene and vivid no matter what it takes

Roughly, I am running out of air to breathe
And so I say,”Farewell to you dear moon! You had been kind and oh so sweet!”

Friday, May 20, 2011

My Secret in Silence

you came into my life

quietly, simply, placidly

and my words stood still

i couldn't express in words

or even in simple gestures

the secret i kept in my heart

so i loved in silence

admired you from a distance

dreamt of you from afar

i wanted to say i love you

i wanted to say i care…

but cowardly, maybe, you’ll laugh at me

in silence i will love you…

in silence then i will care…

* found this in my fs blog... i miss the good old days... nung mga panahon na inspired tlg ako magsulat kc may
dahilan para magsulat... ngayon... meron pa din nman... kaso di na kasing tindi ng dati....(sigh)

sssssshhhhh......

Wednesday, May 18, 2011


i love her voice... and i wanna marry her....ahahahaha

Saturday, May 14, 2011

Blue ang Kobrekama ni Jake by Jimmy Alcantara

Wala nang palabas sa TV nang dumating si Michael. Lagi-lagi na lang siyang ganitong oras kung umuwi. Hindi ko naman siya maaway siya ang padre de pamilya.

Lagi-lagi na lang siyang umaga kung umuwi. Hindi na niya napapansin na every other day ay iniiba ko ang ayos ng sala niya, ang lugar ng mini-component niya, ang bedsheets at pillowcases niya.

Gusto ko siyang awayin, pero nasa ibaba pa siya, at nagkakalampagan ang mga plato at mga kubyertos. Hindi pa siya kumakain, isip-isip ko. May nabasag na isang baso, isang plato. Binaba ko siya  hawak niya ang refrigerator. Wala akong masabi. Iyak siya nang iyak.

Mike, kumain ka na, ipinagluto kita ng tinola. Hindi niya ako pinansin, kumuha siya ng kutsilyo at sinubukang bakbakin ang balat ng ref. Hindi pa siya nakuntento. Humanap siya ng sandpaper at kiniskis ang pinto nito. Naawa ako sa kanya kaya kinuha ko ang kutsilyo at sandpaper. Dinala ko siya sa sala; amoy alak si Michael. Sabi niya: Bukas aayusin natin ang kulay na bahay, ayoko ng ganitong buhay.

Niyakap ko siya. Noong isang buwan bumili ako ng pintura sa Cubao. Sa gusto kong pasayahin at sorpresahin siya, pinintahan ko ng pula ang ref. Nakaka-praning ang amoy ng Scarlet Aluminum Paint kaya pati ang cupboard, lababo, lampshade, airpot hanggang sa ceiling fan at TV ay pinasadahan ko rin. Mike, hindi na uli ako bibili ng pulang pintura. Kahit ngayon na wala nang laman ang lata. Wala nang laman ang lata, Mike, naririnig mo ba?

Bago siya nahiga ay pinunasan ko siya. Habang pinapahiran ko ng pulbos ang dibdib niya ay sinabi kong nakakalungkot ang maghapong mag-isa sa bahay. Umasim ang mukha ni Mike pero hindi niya pinahalata. Hindi kami pwedeng magkaanak. Baog si Mike. At flip ako. Parusa ng Diyos sa amin. Magsi-six years na kaming live-in pero wala pa rin kaming balak na magpakasal.

Kinabukasan sa harap ng almusal ay sinabi niya, "Ampon tayo, gusto mo?"

 "Gusto mo?" sabi ko.

Tumango siya. "Sige, ampon tayo."

Hindi makakasama si Mike nang araw na kukunin ko ang bata. May project sila sa opisina at kailangang nandoon siya sa presentation nito. Ako na ang nag-drive sa kanya pagpasok niya. Dumiretso ako sa Quezon City.

Hindi kalakihan ang ampunan pero malinis at de-aircon. Kinausap ko ang namamahala. Sandali lang at ibinigay na ang bata at iniwan ko ang inaasahang iwan ko. Inilagay ko ang bata sa gilid ko. Sa bahay, inihiga ko siya sa matagal nang nakahandang kama para sa kanya. Blue ang kulay ng kobrekama.

Cute na cute ang baby kulot ang buhok niya at ang taba ang sarap-sarap pisilin. Maputi siya, parang si Michael. Matutuwa si Mike sa anak niya, lalake kasi tulad ng gusto niya.

Ano ang ipapangalan namin sa iyo, baby? Gusto mo ba ng Jake? Kami na ang mga magulang mo, baby. Palalakihin ka namin, pag-aaralin ka namin. Tanggapin mo, kami na ang mga magulang mo. Isipin mo mula ka sa amin. Hindi ka ampon, nagkataon lang na may dalawang tao na talagang gumawa sa iyo para sa amin. Palpak kasi kami. Oo, siyempre naman, anak, mahal ka namin.

Umiiyak na ang bata, gutom na siguro. Nagtimpla ako ng gatas at ibinigay sa kanya. Hindi man lang niya nakalahati ang bote. Gusto lang sigurong maglambing. Kinarga ko siya, inugoy-ugoy ko at huminto siya sa pag-iyak. Nakakatulog na siya nang maramdaman ko ang pagbukas ng pinto sa ibaba. Nariyan na siya nang maramdaman ko ang pagbukas ng pinto sa ibaba. Nariyan na si Mike. Dali-dali kong inilapag ang bata sa kama at lumipad pababa sa kinaroroonan ni Mike.

"Mike! Mike! Nandito na ang bata. Kamukha mo, halika, tiyak na matutuwa ka."

Nagmamadaling pumanhik si Mike. Mabilis niyang binuksan ang pinto. Tuwang-tuwa si Mike. Sa tuwa niya, naiyak niya. Lumabas siya ng kwarto at nagkulong sa CR.

Inabot si Mike ng dalawang oras sa toilet. Na-upset siguro siya dahil ang batang iyon ang isang palatandaan ng mga pagkukulang naming bilang mag-asawa.

Pero, eto na ang bata, Mike. E ano kung hindi siya sa atin? Sa atin na siya ngayon. Anak na natin siya. Magulang na niya tayo.

Hindi kumain ng hapunan si Mike. Hindi ko rin siya namalayan nang humiga siya sa kama. Nagising ako sa pagbali-balikwas niya. Gising si Mike. At ayaw niyang magsalita.

Nararamdaman kong umiiyak na ang bata. Akmang tatayo ako nang magsalita si Mike.

"Ricky, isoli mo siya, hindi natin kailangan ng kasama."

Hindi ko siya inintindi. Nagda-drama na naman si Mike.

"Nagugutom na ang anak mo. Heto ang unan mo. Wag mo nang pasakitin ang yong ulo, bukas mag-uusap tayo."

Binuksan ko ang ilaw at lumapit sa kinaroroonan ng bata. Hinawakan ko siya. Tuyo pa rin ang lampin niya. Nagtimpla ako ng gatas at ibinigay ko ito sa kanya. Binuhat ko siya, inilagay sa dibdib ko at inugoy-ugoy.

Nakatitig si Mike, umaapoy ang mata.

"Bagay na bagay sa iyo, para kang tarantado."

"Ano ba ang problema, Mike? Di ba sabi mo'y okay ang bata sa bahay? Ngayon, bakit ka nag-iingay?"

Galit na galit na si Mike, nagbabanta na. Ayos na raw ang mga maleta niya, at ngayon, tiyak nang aalis siya. Nagmumura na si Mike. Natatakot na ako sa kanya. Diyos ko, huwag mong sabihing nababaliw na rin si Mike, huwag mong sabihing nahawaan ko siya. Diyos ko, tama na ang isang flip sa pamilya. Tumayo si Mike, nagbabasag na ng gamit. Ibinato niya ito doon, ang iyon ditto. Hagis ng ano, pukol ng ano. Kipkip ko ang baby ko ng tumakbo ako palabas ng kwarto. Baka kung ano pa ang gawin niya sa baby ko. Lumipad ako papunta sa guestroom. Humabol si Mike, pero nagging mas mabilis ako sa kanya. Ini-lock ko ang pinto. Tinawag ko ang lahat ng santong kakilala ko para pakalmahin si Mike. Itinulak niya ang pinto. Madaling bumigay ang binubukbok na pinto. Sa lakas ng pagkakasalya ni Mike ay muntik nang magiba ang dingding at haligi ng bahay.

Surrender na ako, Mike, do whatever you want.

Bumukas ang pinto. Umaapoy pa rin ang mga mata ni Mike. Pero ano ito? Umiiyak na sa galit si Mike.

"This is it. Ive had it, Ricky. Hindi na ito anxiety, this is insanity."

Hindi ko siya maintindihan. Magaling na ako. There is nothing wrong with me. Si Mike ang nababaliw. Yakap-yakap ko ang baby ko. Nalilito ako. Anong nangyari sa atin, Michael?

Kinuha ni Mike ang anak ko. Ayoko. Huwag mo siyang gagalawin, bata pa siya, wala pa siyang alam. Ihahagis niya ang baby ko. Huwag, Mike, mamamatay ang bata. Ibinato niya ang anak ko sa sahig.

"Mike, hayop ka. Pag namatay ang baby ko, sino pa ang kasama ko dito sa bahay mo?"

"Tatawagan ko si Marvin. We're both taking you in," ang sabi ng walang pusong si Mike. Lumabas siya.

Pinuntahan ko ang anak ko. Gasgas ang mukha. Dumilat ka, baby. Sabihin mong mahal mo ang daddy. Niyakap ko siya. Dumilat ka, baby, say how much you love your daddy. Hinimas ko ang likod niya labas ang buto. Hindi, may kung anong lumawit lang.

Nangiti ako. Ibinalik ko ang mga baterya sa dating ayos.

- sequel ito ng red ang luha ni michael... i love how jimmy alcantara write short stories...♥

Sunday, May 8, 2011

Happy Mother's Day

Dear Mama, 

I know you suffered much while giving birth to us. They say that labor pain is the most intense pain that a human being can feel. And then you endured and still enduring additional pain in raising us. I'm so amazed at how you did all of that Ma and I don't know how to repay all of that.

Last friday, May 6, 2011, Nel graduated from college. I'm so happy and proud that you and Papa were able to give us the only gift never to be taken from us: Education. Now, we'll be the ones to work along with Papa. Magbubuhay Donya ka na Ma. But still, I do not know if that is enough to repay everything you've done for us.
This Mother's day, using the product of my own sweat and blood, I bought you a gift. I don't want you to see it as a material gift Ma. Instead, I want you to see it as a symbol of my/our appreciation and love for you. Ang tawag ko nga dyan "Nakabalot na Pagmamahal". Actually, it's a nice brown bag. Nahirapan ako sa pagpili nyan Ma. Kinunsulta ko pa yung sales lady kung ok yung style ng bag. But seriuosly Ma, I really hope you'll like it.

Since it is a surprise, I asked Sister Juliet to keep it for me because I'd like to give it to you after the Sunday Morning Mass. You were smiling when you saw me carrying a gift while approaching you. Abot tenga ang ngiti mo Ma.

"Happy Mother's Day!" and then I smiled.

" Nag-abala ka pa 'nak... ", you said that again still smiling. I have to Ma. This is a special day for you.

When we reached home, you opened the gift in front of me. The wrapper and the box were all in pink. You liked it very much but that's not my gift Ma. When you opened the box, you were already teary eyed. Same here Ma but you were not able to notice my eyes because of the newspaper I was reading. Sa totoo lang 'di naman talaga ako nagbabasa. Pinagmamasdan kita sa peripheral vision ko. 

And then... you kissed me on my forehead.

"Salamat, 'nak..."

Mababaw ang luha ko, Ma. Pigil na pigil talaga ako. Ayaw ko kasi talagang umiyak. But that kiss? It was a bliss. I really can't explain what I've felt.That moment, I felt your eternal love for us. So warm and tender. It's like you are giving me your life. And again, I don't know how to give back.

Ma, I hope you live longer so that I can give thanks to you everyday of my life. You are giving us your life and I want to give mine to you too. You are such an extraordinary person Ma. Your smile, your touch and your kiss; those meant everything to us.

Again, I'm willing to give my life to you. YOU ARE WORTH MY LIFE MAMA.


I love you Ma.
Kuya Sly...♥♥♥

Thursday, May 5, 2011

Every Child is Special

 Teachers, you must watch this movie... you'll be able to understand your students more...

I cried at the last part of this movie...HUHUHU...

Red ang Luha ni Michael by Jimmy Alcantara

*Ive read this article from a website last may 2009... Enjoy Reading!


Michael and I were meant to be together. Tumira sa iisang komunidad sa Butuan, magkaeskuwela mula prep school hanggang kolehiyo, lumaki na pareho ang barkada, nagsosyo sa bawat stick ng yosi at sa bawat piraso ng french bread, pan de sal, at pan de coco, at kung minsan sa bawat bilog, lapad, at cuatro cantos. Kaya walang nagulat nang isang mahalumigmig at makulimlim na Agosto, magkasama kaming "lumaya" sa Agusan del Norte. Limang libo, transcript of records at sense of adventure ang bulsa-bulsa namin papuntang Maynila.
Pagkatapos ng anim na taon ng iba’t ibang komedya, trahedya at melodrama, magkasama pa rin kami. Sa isang sulok ng Quezon City kami umupa ng apartment–dalawang kuwarto, three-five. Hati na naman kami sa lahat: renta, pagkain, bayad sa tubig, ilaw, telepono. Akin ang sala set, kanya ang kama; akin ang TV, kanya ang ref; akin into, kanya ‘yun. At pag naghiwalay na kami, siyempre naman, kanya-kanyang hila ng gamit.
Malabo ang relasyon namin–magkaibigan, mag-asawa, magsyota, magkakilala. Kaya siguro di kami nagpakasal at di rin kami nag-anak. Pero di kami apektado kung di man namin ma-define ang relasyon namin.
Yuppy ang gimik ni Mike. Nagtatrabaho siya sa personnel department ng isang ad agency sa Vito Cruz. Wala akong trabaho. Hindi, nawalan ako ng trabaho. Huwag na nating pag-usapan ang nangyari sa CCP. Di raw nila kailangan ang ‘nahihibang’ na production designer. Masisira daw ang mga dula at musikal nila. Gago raw ang mga kulay at konsepto ko.
Isang makulit at mainit na Lunes ng umaga, sa harap ng pinagbuhusan ko ng atensiyon at pawis na omelet at bagong pigang orange juice, nagpabuntung-hininga si Mike at, "Sa init ngayon, natutusta ang utak ko at maalala ko, kinakalawang na ang ref, pag may bisita tayo, gusto kong magtago sa aparador."
Napangiti ako. Ito na ang pagkakataon para sorpresahin si Mike. No, di ako bibili ng bagong ref. Babaguhin ko lang ang kulay! Marumihin ang puti, vile naman ang brown. Pula! Tama, scarlet red. Magugustuhan niya.
Madrama ang pula, may landi. Minsan morbid pero kadalasan, romantic. Masisiyahan siya. Ako na rin ang magpipinta. Gagawin kong isang obra-maestra ang ref.
Sa isang tindahan sa Cubao bumili ako ng malaking lata ng Scarlet Aluminum Paint. Di ko alam kung puwede ‘yun sa ref, pero kinuha ko na rin. At isinama ko na rin ang isang brush na katamtaman ang laki para kontrolado ang pagpahid.
Kaya pagpasok ni Mike sa trabaho ng Biyernes na iyon, hinarap ko ang ref. Binakbak ko ang lumang balat nito. Binuksan ko ang lata ng pintura at hinalo ang parang dugong likido ayon sa direksiyon. At binanatan ko na.
Ang ganda ng kinalabasan. Perfect ang first coating. Bagay na bagay ang kulay. At natakpan ang dumi at iba pang lumang pinturang di natanggal sa ref.
Naaliw ako ng husto sa ginagawa ko, kaya di ko na nahintay na matuyo ang unang coating bago pahiran uli. At para makasiguro na di mababakbak ang pintura, pinahiran ko pa ng isa. At ngayon ko na-realize na dry ang itsura ng kusina, walang dating. Sinimulan kong pasadahan ang mga cupboards. Kaya lang, natuluan ang lababo, itinuloy ko na rin ang pagpinta rito. Ilang pahiran lang, bagung-bago na ang mukha ng kusina–intense.
Di na ako nakapagpigil. Nang mapuno ang sahig ng kusina ng mga pulang polka dots, napagpasiyahan kong gawing maliliit na puso ang mga ito. To relieve the monotonous squareness of the tiles, kung baga.
Tutal narumihan na ang kamay ko at bukas na ang lata, naggalugad ako sa loob ng bahay ng puwede pang mapinturahan. Dali-dali kong hinarap ang nangungupas na lampshade, ang miniature na model ng Eiffel Tower, ang frame ng isang pekeng Monet, ang mga paso at dahon ng palmera, airpot, pati na ang tsinelas ni Mike sa loob ng bahay.
Naa-addict na ako sa ginagawa ko. Pero nang makita ko ang itsura ng pinto ng bahay, di ko napaglabanan ang tukso. Kulay dilaw na brown na puti ang kulay ng pinto. Ilang pahiran lang at nawala ang ambiguity nito.
Pagkatapos ng pinto, naisip ko: "Ayoko na, tama na." Pero di siguro magandang tingnan na isang picture frame lang ng bahay ang kulay pula, kaya pinintahan ko ang lahat. Ilang minuto ako sa ceiling fan. Ang dutsa sa kubeta at ang mga gripo, nag-improve mula sa walang kalatuy-latoy na silver.
Habang pinapasadahan ko ang gilid ng TV, nahulog ang brush sa kaliwang sapatos kong de-goma. Itinuloy ko na rin ang pagpipinta sa sapatos–sa isang paa lang. Parang si Tom Hanks sa Man with one red shoe.
Pagkatapos ng konting pahiran sa radyo, determinado na akong huminto–sa sandaling lagyan ko ng glamour ang mga throw pillows. Kaya lang, natilamsikan ang rug. I’m sure, masisiyahan kayong malaman na maganda ang pagkaka-absorb ng rug sa pintura. Di ko lang alam kung iyon ay dahil sa kalidad ng pintura o ng rug.
Pumanhik ako sa kuwarto at hinarap ang mga aparador. Binuksan ko ang isa. Pinasadahan ko ang mga bag at sinturon ni Mike at ilan sa mga attaché cases ko. Bumaba ako at lumabas sa garden at pininturahan ko ang mga praso, ang mga dahon ng san francisco at gumawa ng kauna-unahang pulang sampaguita.
Nasa kalagitnaan ako ng pagpipinta sa telepono nang may kumatok. Si Mike! Binuksan ko ang pinto. Di si Mike.
"Sulat galing sa Butuan. Sino si Mike Fernan? Galing sa isang Joan." Inabot ko ang sulat. Maputla ang kulay ng kartero, kulang sa buhay. Pinahiran ko ang mukha niya ng konting pintura para di naman siya mukhang anemic. Di yata naintindihan ng mama ang gusto kong palabasin, at nagtakbo itong humihiyaw.
Habang pinipintahan ko ang dingding ng sala para ibagay sa bagong personalidad ng bahay, bumukas ang pinto at bumulaga si Mike.
"Ipinagpaumanhin ninyo," sabi niya, "nagkamali ako. Akala ko’y ito ang bahay ko at ikaw ang Ricky ko."
Hinawakan niya ang pulang doorknob at lalabas na sana nang pigilan ko siya.
"Mike, ako ang Ricky mo. Di ka ba nasorpresa, ref mo’y iba na?"
Di lang siya nasorpresa, nagulantang pa siya. Doon na raw muna siya sa kaibigan niya sa Fairview. Iiwan na raw niya sa akin ang ref niya, ang kama niya, ang ito niya, ang iyon na. Aalis na raw siya at di siguro kung babalik–pero di pa siya makaalis kasi’y basa pa ng pintura ang mga maleta niya. Di malaman ang gagawin, bumigay ang tear ducts niya.
"Totoo ngang nababaliw ka na. Sabi mo’y matino ka na. Ibabalik uli kita sa basement. Sana’y gumaling ka na. Ayoko kasing mag-isa."
Wala akong nasabi at sa isang mahinay na unday, pinintahan ko ang mga luha niya ng pula. Naubos ang laman ng lata.